Wednesday, December 5, 2007

tralala la la

Nitong mga nakahuling araw lagi kong kasama si bruh. Masaya ako kasi feel ko matagal kaming hindi nagkita!! Hindi kasi ako sanay na hindi siya nakikita araw-araw!

Paano ba naman kasi ever since forever magkasama na kami ni bruh. Magpinsan, magkaibigan tapos magkaklase pa kami. Araw-araw ko siyang nakikita sa school depende na lang kung may sakit siya o ako pero madalang mag-absent yun depende na lang kung late siya na gising o late pumasok! hehehe... tapos pag walang pasok lagi din kaming nagkikita. Lumalabas kasama ang ibang kaklase para magpraktis. Praktis sa play, praktis sa sayaw, praktis sa sayaw at sayaw! Sandamukal na praktis! Madalas naman dalawa lang kaming nag-wawalay! Mahilig kaming kumain ng kung anu-ano, maglakad ng walang patutunguhan at maghanap ng gagawin!

Marami na kaming masayang moments ni bruh. Lalo na pag dalawa lang kami. Naalala ko dati ung kwinento niya. May umakbay sa kanyang baliw tapos sinabing "anya naggan mu?". Tapos ung nagmomotor kaming dalawa at muntik na kaming mashoot sa kanal. (malapit sa bahay nina kat.) Naaalala ko pa ung code name namin dati picachu! hahaha.. (Naalala mo pa un?). tapos ung pumunta siya ng banyo para maghugas ng paa, ako naman sa kusina para kumuha ng kutsara. bigla na lang akong tumakbo papunta sa kanya, "Lily, may mumu. may nagbukas ng gripo!". Yun pala siya lang un! (Di namin alam kung sa bahay to o sa kanila. sabi ko sa kanila sabi niya sa amin daw eh.) Naalala ko din mahilig kaming maglaro ng bahay-bahayan, lutu-lutuan, doktoran, parloran, takbuhan, entering(patintero), taguan at madami pang takbuhan. Mahilig din kami sa pantalan dati. (likod lang ng bahay nila eh.) Kumuha ng mansanitas, namimingwit ng isda, naghahanap ng maliit na alimango.

Mahilig siya sa kulay blue, chocolate lalo na dairy milk! (Inubos mag-isa ung sixteen o ten bars? ilan na ba yun? nakalimutan ko na. sixteen ata kasi sixteen birthday mo nun eh.) Addict sa korean kaya nga koreanadk na pangalan niya sa phone ko eh. Pag eto hindi nagsasalita, galit siya sa lahat! (Hindi alam kung kanino galit!) Mahilig din mag-gm pero madalas wala naman nagrereply lalo na sa freakz! Pero hindi pa din nagsasawang mag-gm. Mahilig din to sa "ok lang". Minsan mo lang ata maririnig ung "oo", "hindi", "ayaw ko" at "gusto ko". Gusto din niya ng makintab na ten at five. (Okay na daw yun for Christmas.)

Haaaay naku! kung sasabihin ko lahat ng naaalala ko baka sobrang haba na! Alam ko naman hindi kayo masyado makakonek! ang gulo ko kasi magkwento! Ayos lang. sanay na siya sa akin eh. Pag nagkikita kami, lagi akong nagkekwento! 2/3 sa akin 1/3 sa kanya! (Di ba bruh?) Pag magkasama kami, ang ingay-ingay namin! Lagi kaming naghaharutan. Pero pareho din kaming tameme pag may ibang tao. Sabi nga niya kung magkaklase kami ngayon siguro may sarili kaming mundo!

Gooooosh! Dapat iba popost ko eh! Kaso napakwento na ako! Well, next time na lang! Basta bruh! January 2, 1992! Okay? 15 na! geh geh! May net na pala uli ako! Bumalik na phone ko eh! Hindi na tayo makakapagnet ng hanggang 10.30 ng gabi! Hayaan mo pag nasira uli yung phone ko! (pero ok pa din kung tawagin mo kong magnet para makanood ako tagal nitong net eh.)




bruh, bakit di kaya niya mapansin 'noh?


Hindi pa ba obvious?






I love c0okiez! and bruh!

No comments: